Si Stella At Ang Mga Kaibigan Niya Sa Araw ng Pasko
Stella- mabuting anak
Don Manuel- ama ni Stella
Señora Faustina- ina ni Stella
Fey- isa sa matalik na kaibigan ni Stella
Bea- kaibigan din ni Stella
Marga Hera- isang bahay ampunan
Si Stella At Ang Mga Kaibigan Niya Sa Araw ng Pasko
Mayaman at komportableng pamumuhay ang kinalakihan ni Stella, ang nag-iisang anak ng mag-asawang Don Manuel at Señora Faustina. Ngunit ni minsan ay hindi inabuso ng dalaga ang pagiging anak-mayaman niya.
Sa katunayan, ibang-iba si Stella at malapit ang loob nito sa mga bata sa bahay-ampunan. Isang araw, ikinuwento niya sa dalawang kaibigan ang totoong dahilan kung bakit ganun niya ka mahal ang mga bata.
Maikling Kwento: Si Stella At Ang Mga Kaibigan Niya Sa Araw ng Pasko
MAIKLING KWENTO – Narito ang maikling kwento tungkol kay Stella at sa mga kaibigan niya sa araw ng Pasko.
Anak-mayaman si Stella subalit hindi siya katulad ng ibang lumaki sa karangyaan na walang ginawa kung hindi ay mamasyal sa kung saan-saan at magpakasarap sa buhay.
Kahit ang ama niya, si Don Manuel, at ang ina niya, si Señora Faustina, ay lubos ang pasasalamat sa mabuting loob ng kanilang nag-iisang anak. Kakaiba ang kabutihan na ipinapakita nito lalong-lalo na sa mga mahirap na tao.
Tuwing Pasko, niyayaya ni Stella ang mga kaibigan niya na pumunta sa bahay-ampunan sa Marga Hera. Namimigay sila ng mga laruan, pagkain, at iba pang mga regalo sa mga bata doon.
“Stella, matanong ko lang, bakit dito tayo pumupunta tuwing Pasko?” tanong ni Fey, isa sa mga matalik na kaibigan ng dalagita
“Malapit kasi ang puso ko sa mga bata sa bahay-ampunan. Gusto ko na kahit isang beses lang sa isang taon ay mapasaya ko sila,” paglalahad ng dalagita.
“Hindi isang beses sa isang taon bes, isang beses sa dalawang linggo. Swerte nila sa’yo friend,” sabi ni Bea sa kaibigan.
Masayang-masaya ang mga bata sa ampunan noong araw na iyon. Dinalhan sila nina Stella ng piniritong manok, spaghetti, sandwich, hotdog, at salad. Marami rin silang bagong laruan at may mga hindi pa nabubuksan na mga regalo.
Habang sumasakay sa auto ang tatlong magkakaibigan, biglang ikinuwento ni Stella ang tunay na dahilan kung bakit malapit ang loob niya sa bahay-ampunan sa Marga Hera.
“Alam niyo, nais ko silang mapasaya dahil talagang ibang-iba ang buhay natin sa kanila. Maswerte tayo at lumaki tayo kasama ang pamilya natin.
E, sila, doon na sila bumuo ng pamilya dahil marami sa kanila ay wala nang ama at ina. Sa tuwing tinititigan ko nga ang iba sa kanila, ramdan ko ang pangungulila nila sa mga magulang nila,” pagpapaliwanag ni Stella.WAKAS